Natawa naman ako sa GM ng kaklase ko. Sa sobrang taas daw ng baha sa Maynila ngayon, pati boxer nya basang-basa. Buti pa sila naka-experience na ng baha, ako hindi pa. DI bale, konting kembot na lang… Hahahaha!

Nararamdaman kong magkikita-kita kaming magkakaklase (HS) sa terminal ng bus pauwi. Hahaha. Kung hindi man, mag-aantayan panigurado. Dami pa naman naming uwian. Mini fieldtrip lang? XD

Buti na lang may kasabay akong pupunta ng PUP sa Monday. Yung class valedictorian namin nung HS. Sa PUP rin kasi nag-aaral yun. Taking up BS Accountancy. Eh saktong pareho yung sched namin, 7:30am start ng class namin pareho. Tapos nagtext pa sakin yung kaibigan ko sa PUP na kaklase ko rin. Sabi niya sabay daw kami maghanap ng room. Hahahaha. Dalawa silang magiging kaklase ko. Parehong lalaki. Sana lang eh hindi ako ma-OP sa kanila. Hahahahaha. Uhmm, wala lang. Na-e-excite na talaga kong pumasok. :)

So, okay. Yung kapatid ko, nag-start na yung class nya ngayon. Samantalang ako, sa Monday pa mag-i-start. Ughhh. Naboboring na ko dito sa bahay. Gusto ko na rin pumasok. Naiinggit na ko sa mga kaklase kong nag-g-GM na baha na daw sa Maynila, ganito ganyan. Hahahaha. Gusto ko nang pumasok!!!! >.<

Nanuod ako kanina ng welcome-back-to-school concert ng Alma Mater ko. Kasama ko yung mga ka-batchmates ko. Saka yung higher batch of alumni. Maganda naman yung performance nila. Ang unti nga lang nila kaya parang ang boring. Hahahaha pero okay naman. Tapos ano, ang pogi nung bidang “nerd” dun. Hahahahahaha shittttt XD

May tinitindang mga shirts and 3/4 sa PUP campus. May nagustuhan akong 3/4 dun. Bibilin ko na sana kaso nagmamadali si Mama umuwi kasi may lakad pa sya nun kaya sabi bumalik na lang daw ako dun minsan. Kaso naalala ko bigla, last day na nga pala nun ngayon. Nakaka hurt lang. Kung kalapit lang sana ng Bulacan ang Sta. Mesa, Manila eh di sana nabili ko yung gusto kong 3/4 dun. <//////3

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Ayoko naman kasi talaga mag-aral jan sa PUP, nung una. Ang dahilan ko eh, walang aircon. Yun lang. Ang babaw ano po? Pero nung lumaon, madaming nagsasabi na maganda daw dun. Hanggang sa nagustuhan ko na rin mag-aral sa school na yan.

Madami pang dahilan kung bakit ko ginustong makapasok sa PUP. Isa na dun ang napakababang tuition fee. Imagine. 12Php per unit. Kung susumahin, yung tuition fee namin sa isang sem eh isang unit lang ang katumbas kung mag-aaral ka sa ADMU, DLSU, UP, at UST. Oo, ganyan kababa ang tuition sa PUP.

Ngayong ganap na akong mag-aaral ng PUP, walang dahilan at walang dapat maging dahilan para maging gago ako sa pag-aaral. Katakut-takot na hirap ang dinanas namin para lang makapag-aral jan. Masasabi kong dumaan kami sa butas na karayom. Hindi madali ang makapasok sa PUP.

May schedule na ko. Yiiiiizzzz!! Bale, M/W 2:30pm ang labas ko; T/F 4:30pm naman; TH 6:00pm <///3 Lahat yan 7:30am ang start ng klase ko. Which means, kinakailangan kong gumising ng 4am. Dahil dapat at exactly 5am nakasakay na ako sa bus dahil 2 hours ang allotted time ko mula Bulacan-Manila. Mejo nakakabwisit ano po?

Oo, uwian ako. Pero ‘pag hindi ko kinaya, magd-dorm ako. Yun din yung usapan namin ni Mama. Ita-try ko muna mag-uwian, then pag di ko kinaya, ayun nga, maghahanap kami ng dorm or boarding house na malapit sa PUP. Isa pang masakit sa puso eh yung kadahilanang full load ako kaagad. 29 units. <///3

Anyways, kaya ko to. Hahahahaha. Good luck sa ‘ting lahat! :)

"The roots of education are bitter, but the fruits are sweet."

So yes, after almost 2 weeks, enrolled na ko. Hahahaha. Ang dami ko kaagad nakilala. Jazmin, Jazper, Jayvine, Joshua, Edward. Ang galing lang kasi magkakaklase yung iba samin. Ako saka si Jayvine, saka si Joshua and Edward. Okay yun para kahit papaano eh may kilala na kaming kaklase namin. Si Jazper naman saka si Jazmin, hindi sila magkaklase. Sayaaang. Pero okay lang, kasi magkikita-kita pa naman kami tyak sa campus. So ayun, hi future schoolmates and classmates!! :)